Patawad

Panginoon,

Patawad po. Ang puso ko’y labis na tinatanggihan ang katotohanang ako’y napalayo sa Iyo. Ngayon, kahit may bakas ng hiya, ako’y muling lumalapit sa’Yo. Panginoon, patawad… patawad.

Panginoon, ang puso’t isipan ko’y pagod na pagod. Isang bagay na akala kong sabi Mong tama’y pinaglaban ko — pinagdasal at labis na ikinwento sa’Yo; tila iyon na lamang ang sambit ng labi ko. Panginoon, hindi ba Kita naunawaang mabuti? Akala ko nga lang ba? Mali ba talaga?

Maraming tanong ang paikot-ikot sa aking isipan na alam kong hindi ko na kailangan ilahad pa upang Iyong malaman. Mga sagot, sa totoo’y gusto kong hingin, ngunit aking natutuhan na hindi lahat ay kailangan kong alamin; tila naririnig ang iyong boses na kay lambing, “Anak, hindi mo na kailangang mag-isip. Magpahinga ka na’t ako ang lalaban habang sa likod Ko’y ika’y mahimbing na umiidlip.”

Ako’y labis na nahihirapan Panginoon.. ang aking pangarap, mali’t taliwas. Ngunit kahit gaano kasakit, kahit hindi ko lubusang makitat maunawaan, alam kong mas makabubuti ang Iyong pangarap para sa akin, para sa amin. Kaya Panginoon, ako’y… bibitaw na. Patawad Panginoon kung ako’y hirap sa pagsunod sa’Yo.

Aking munting dasal lamang, Panginoon, kami’y dalhin Mo sa landas na Iyong inihanda. At kung Iyong itinakda, Panginoon, magkrus ang aking pangarap sa Iyong pangarap. At kung hindi, bigyan Mo po ako — kami — ng lakas harapin ang bigat at sakit. Nais ko lang rin sumaya sa Iyo. Mangyari nawa ang Iyong itinakda.

Salamat, Panginoon, sa Iyong pagmamahal. Mahal din Kita, Panginoon. At muli, patawad… patawad.

Amen.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s